"ANG PAMANA"
Ni Jose Corazon De Jesus
Minsan ang ina ko’y nakita kong namamanglaw,
naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan,
Nakita ko ang maraming taon noong kahirapan
Sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw,
Nakita kong ang ina kong tila mandin namamanglaw
At ang sabi itong piyano’y say’o ko ibibigay
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan
Mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman. |